Chapter 49

1762 Words

“Pakigalaw nga,” utos ni Seven sa kanya nang maitanggal ang benda at semento sa pilay niya. Hindi gaanong narinig iyon ni Saddie lalo na’t makalipas ng apat na araw simula nang huli silang nagkita ni Maven, iyon din ang huling gabi rin na nagkita sila nito, ilang beses na tumawag ito o nagpadala ng mensahe ngunit hindi niya sinasagot ang alin man doon. Nahihiya pa rin siya at hindi makapaniwala na nagawa niya iyon. “Saddie.” Napalingon ang dalaga sa doctor na binata na nagtataka. “Bakit?” “Mukhang malalim ang iniisip mo, sabi ko pakigalaw ng paa mo kung kaya mo na para malaman natin,” paliwanag ng binata. “Ah, oo nga pala.” Saka dahan-dahan iniikot ng maingat ni Saddie ang pilay niyang may paa, wala na siyang naramdaman na kahit na anong sakit o irritation sa napilayan niyang paa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD