MABILIS na umiwas ng tingin si Maven at umayos ng upo na siyang pinag-alala ni Saddie. "I don't want to go home yet," wika ng binata. Sandaling napaisip ang dalaga at naupo ng maayos. Tumingin siya sa labas at ilang lumalabas-masok sa loob ng lobby. "Edi huwag na muna tayo umuwi, nagugutom ka ba? May gusto ka bang puntahan? Samahan kita." "I want to cool off, I want to go home to the condo tired, do you have any idea where I can spend time?" Hindi agad nakasagot ang dalaga at sandaling napaisip. "Do you want to do or go somewhere you haven't been to before?" "Marami, sir, marami pa akong hindi napupuntahan na gusto kong punta," para bang light bulb na nang may maalala siya. "Ay! Sir, na-try mo na ba magpunta sa ice skating? Gusto ko sana i-try kahit hindi ako marunong magpadulas-dul

