DUMATING ang araw na pinakahihintay ni Saddie, hindi rin maikakailang kinakabahan siya at kahit na nakahanda ang lahat ng damit na tinahi niya para sa contest ay hindi pa rin mawawala ang kalabog sa kanyang dibdib. Usapan nila Saddie at Maven na sabay silang pupunta sa lugar kung saan gaganapin ang contest sa mismong H&M company sa function hall nito sa top building. From: Maven Sorry, mauna ka na at I’m going to be late for a minute. Ito ang mensaheng nakuha ni Saddie mula sa binata, ngunit halos kalahating oras nang makarating siya roon ay wala pa rin ang binata at wala na rin siyang nakuhang mensahe galing dito. Natapos na siya sa pag-registered at nakita na rin niya ang ilang imbetadong contestant eh wala pa rin ang binata. Inayos na lamang niya ang mga gamit sa back stage kung sa

