"Nakita ko pala ito sa loob ng sasakyan alam kung para ito sa iyo."Inabot ni Mr. Halawi, ang isang plastic ng mga prutas at ang isang pumpon ng mga bulaklak. Nanginginig ang kaniyang kamay habang tinanggap niya ito. Inamoy niya ang mga bulaklak at bahagya siyang napangiti. Kasabay naman noon ay ang muling pagpatak ng kaniyang mga luha. Awang-awa naman ang kaniyang mga magulang habang siya ay pinagmasdan. "Dragger, thank you so much ... thank you..." humikhikbi niyang sambit. Sa St. Peter Chapels, ang lamay para kay Dragger. At welcome ito sa lahat na gustong makilamay. Halos hindi umaalis si Marelle sa chaptel, buong oras niya ay doon niya inubos. Habang nakapikit siya ay bigla niyang napanaginipan ang masasayang alaala nilang dalawa "Niq." "Uhm?" "I like you." "I know!" "L