"Araw-araw kasi iyan nililinisan," "Ummm... good for you!" "You want to drink?" "Ano ang iinumin natin?" "Wine, bakit? Umiinom ka ba ng hard?" "Minsan lang, pero mula noong dumating ako dito ay hindi na ako nakainom." "Wine na lang, dahil ayaw kong sanayin ka na uminom." "Wow! Nakaka-touch naman." At habagya siyang ngumiti. "Bakit, ayaw mo? Halika nga dito!" At nagsenyas siya na umupo sa kaniyang tabi. "Niq?" "Ummm?" "Ano ba, ang mayroon sa iyo at patay na patay ako?" "Charrr..." nakangiti niyang tugon. "I love you..." pabulong niyang sabi at titig na titig ito sa kaniya. "Dragger?" "Yes, darling?" "Bakit ang weird mo ngayon?" walang preno niyang tanong. At sumeryoso ang kaniyang mukha. "Anong weird ang pinagsasabi mo? Uminom ka na nga!" At inabutan niya ito ng red