"Bakit hindi mo ako ginising?" "Kasi po! Gusto kong makapagpahinga ka! Oh—Tagay na!" Sabay abot niya sa maliit na baso at may laman na itong alak. Tinanggap naman niya ito at agad iniinom, at sabay balik niya agad sa baso na walang laman. "Wow! Nagmamadali ka?" tanong niya at bahagyang ngumisi. "Para makarami!" pabagsak niyang tugon, at nasa telebisyon ang sentro ng kaniyang tingin. Napatitig si Lorence sa kaniya na tila naninibago sa ugali ng kababata. Ngunit ang kaniyang naramdaman para dito ay hindi nagbabago. Mahal na mahal pa rin niya ito. "Tsoy," paanas niyang sambit. "Uhm?" "Sa tingin mo, nagsasabi ba sila ng totoo?" seryoso niyang tanong, at hindi ito nakatingin kay Lorence. Nasa baso naka-focus ang kaniyang mata at nilalaro niya ito. "Hindi ko rin alam," malungko