"Mommy, miss na po kita." Ka-video call ko ang anak kong si Anshil. Nanunulis ang nguso nito habang nakatutok ang camera rito. "Miss na miss ko na rin kayo, Anshil." Hinaplos ko si Bunsoy na natutulog sa tabi ko. Ingat na ingat sa aking balikat."Nami-miss ko na kayong kayakap ni Psyche." "Malapit na kaming uuwi, Mommy. Sabi ni Lola kapag daw natalo mo na ang mga bad guys ay makakauwi na kami." "Oo, anak! Malapit na kayong umuwi rito soon. Love-love kayo ni Mommy." Maluha-luhang ani ko sa aking anak. "Don't worry, Mommy. Inaalagaan po kami ni Lolo and Lola. Makulit, Mommy, si Psyche. Pero sabi ni Lola kailangan daw namin ng maraming-maraming patience. Saan po ba makakabili no'n, Mommy?" napabungisngis ako sa naging tanong nito. Sa akin at sa family lang namin madaldal si Anshil. Pero