"Boss?" hindi ko alam kung saan ko pa kinuha ang lakas ng loob na harapin ito. Kahit na kalmadong tignan si Boss H ay alam kong galit ito sa akin. "Mukhang ayos ka naman na ngayon." "Boss, si Herea?" tanong ko rito. "Nagpapahinga." "Pwede ko ba s'yang makausap?" umaasang tanong ko rito. "Of course, hindi. Ano bang inaasahan mo? Na hahayaan pa kitang lumapit sa kanya after what you said to her?" disappointed na tanong nito sa akin. Napayuko ako."I'm not going to accept your alibi, na 'lasing kasi ako'. Naglasing ka because of the same reason. Nakita mo ang videos ng kapatid ko, tiyak na iyon ang dahilan kung bakit naglasing ka, at iyong mga sinabi mo noong lasing ka na ay iyon naman talaga ang nasa isip mo. Hinusgahan mo agad s'ya." "That's my mistake. Hindi ko itatangi iyon." "Iy