PAGKAPASOK ko pa lang sa loob ng opisina ni Dad ay isang wine glass na agad ang lumipad papunta sa akin, mabuti na lang ay mabilis akong nakaiwas kaya hindi tumama sa mukha ko, pero tumama sa pinto na pinagpasukan ko at nawasak na siyang kinatalsik ng mga bubog nito.
“I heard that General Policarpio is still alive! How did that bastard survive? I thought you had already killed him!” sigaw sa akin ni Dad matapos akong batuhin ng wine glass.
Without hesitation, I quickly bent my knees and bowed my head. “Forgive me, Dad. I had no idea that the bastard would survive after taking a bullet to the head. But don’t worry—I can go back and finish the job for good—”
“Paano ka susunod sa yapak ko kung lalampa-lampa ka! Isang matandang police general lang hindi mo pa mapatay agad-agad! Napakahina mo! Isa kang lampa! Talunan! Walang kwenta!” Napatayo na si Dad sa galit at isang aklat naman ang binato sa akin, hindi ko iyon naiwasan kaya tumama sa balikat ko.
Napapikit na lang ako at tinanggap lahat ng mga sermon sa akin.
“Don't worry, Dad, babalikan ko ang matandang 'yon, at nasisiguro kong mapapatay ko na.”
“Huwag ka puro salita! Gawin mo kung ayaw mong alisan kita ng mana at ipatapon sa Slave Island para doon ka na manatili habang buhay bilang isang bilanggo! Mas magaling pa sa 'yo si Allison, hindi pa pumapalpak sa mga pinapagawa ko sa kanya! Samantalang ikaw na tagapagmana, lalampa-lampa ka!”
“I'm sorry, Dad. I promise, this won’t happen again—”
“Talagang hindi na! Dahil huling kapalpakan mo na 'to at aalisin na kita ng trono bilang tagapagmana!”
“I understand, Dad. Makakaasa kang hindi na ito mauulit pa.”
Lumabas ako ng opisina ni Dad habang nagtitimpi na sa galit.
Ang Slave Island ay doon pinapakulong ni Dad ang ibang mga bihag na babae at lalaki. Doon sa isla na 'yon ginagawa ang s*x trafficking. Hindi ako papayag na ipatapon sa islang 'yon dahil lang sa maliit na dahilan. No way, that won't happen.
And that b***h Allison, masyado na namang pabida. As if I didn’t know she relied on her men to handle all of Dad’s assignments for her. That’s why she never failed. Well, magkaiba kami, gusto ko kapag sinabi ni Dad na ako lang mag-isa ang gagawa, talagang ginagawa ko nang mag-isa lang, kahit gaano pa kahirap hindi ako nagpapatulong sa aking mga tagasunod.
I won’t let that b***h Allison take the throne. But I know Dad would never give it to her, no matter how perfectly she executes every mission.
Sanay na rin ako kay Dad dahil sa kanyang pagiging malupit at masasakit na salita kapag pumapalpak ako. Pero minsan, hindi ko talaga mapigilan ang mapikon lalo na tuwing kinukumpara niya ako sa kanyang mga ibang anak.
“f*****g bullshit! Kung bakit kasi nabuhay pa ang matandang panot na 'yon!” inis kong paghampas sa manibela pagkapasok sa loob ng aking kotse.
Talagang hindi ako makapaniwala na nagawa pang mabuhay ng police general na 'yon matapos kong barilin sa ulo kagabi. Napaka-impossible!
Mabilis ko na lang pinatakbo ang kotse ko paalis ng palasyo ni Dad. Pagdating sa highway ay inunahan ko lahat ng mga sasakyan, muntik pang may magbanggan dahil sa bigla kong paglusot sa pagitan ng mga sasakyan. But I don't care anymore. I was pissed—f*****g furious. I hated when Dad compared me to that b***h Alisson. It made my blood boil, set fire to my veins.
Kaya naman pagdating ko sa aking palasyo ay hindi ko na mapigilan ang magwala sa loob ng mansyon, binasag lahat ng mga nahawakan ko. Hinayaan lang ako ng tauhan kong si Yrem, pinanood lang ako nito sa aking pagwawala at pagsisigaw.
Wala na akong pakialam pa kahit nagdugo na ang mga kamay ko sa pagwawala, basta ibinuhos ko ang galit ko sa paghagis at pagbasag ng mga gamit.
“You b***h, Allison! You b***h! Argh! Bakit pa kasi nabuhay ang hayop na heneral na 'yon!” sigaw ko at muling dinampot ang isang mamahaling vase, malakas ko itong ibinato na siyang kinawasak nito. “And that goddamn general—why the f**k is he still alive! This is f*****g bullshit!”
Nagkalat ang mga basag na vase at mga iba pang babasagin, kahit ang TV ay hindi ko napalampas at binato ito ng vase na siyang kinabasag ng screen nito at kinahulog mula sa kinalalagyan.
Nang mapagod sa pagsisigaw at pagwawala ay hapong-hapo na akong naupo sa couch habang nangingitngit pa rin sa galit. Hanggang sa naupo na si Yrem sa tabi ko at may dala ng first aid kit.
“Where’s Pietro?” I asked, my voice still laced with anger.
“He left to investigate the governor’s identity, as you ordered, kamahalan,” Yrem replied, his tone calm as he took my injured hand and carefully began cleaning the wounds.
I leaned back, closing my eyes, letting him work. Pero matapos nitong gamutin ang sugat ko ay naramdaman ko na lang ang marahan nitong pagmasahe sa sentido ko.
“Hmm…” Napapikit ako at hindi mapigilan ang mapaungol sa sarap, dahil kahit papaano ay parang narelax ako. “That’s it, Yrem . . . Just like that . . .”
“Shall I give you a full-body massage?” Yrem suggested.
“Bakit, magaling ka ba?”
He chuckled. “Of course, kamahalan. In fact, I’m better than Pietro. Siya lang kasi lagi mong inuutusang magmasahe sa 'yo, kaya paano mo naman malalaman na magaling din ako.”
I opened my eyes. “Fine. You might as well massage me until I fall asleep. Maybe then I’ll finally calm down.” I stood up, stretching. “I’ll deal with that bald-headed general later tonight. Let’s go to my room.”
Lumakad na ako paalis ng living room para umakyat ng kuwarto. Pero napahinto ako nang bigla na lang akong lumutang.
“What the hell are you doing?” taas kilay kong tanong kay Yrem dahil sa walang paalam nitong pagbuhat sa akin.
“Para hindi ka na mapagod pa sa pag-akyat, kamahalan. Let me carry you.”
Nagkibit-balikat na lang ako at hindi na umangal pa.
The moment we entered my room, Yrem set me down gently on the bed.
Without breaking eye contact, I reached for the zipper of my dress and let it fall to the floor.
“W-What are you doing, kamahalan?” gulat na tanong ni Yrem at mabilis na iniwas ang tingin.
“Hindi ba obvious? Kita mong naghuhubad. Akala ko ba imamasahe mo ako?” inis kong sagot at dumapa na sa kama matapos hubarin ang dress ko, tanging two piece lang ang tinira ko sa katawan. “Huwag ka nang gumamit ng massage oil, just massage me without anything. Gusto ko lang makatulog saglit para mabawasan ang init ng ulo ko.”
“S-Sige, kamahalan.”
Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Hanggang sa umakyat na si Yrem sa kama at inumpisahan na nitong imasahe ang likod ko. Pero gano'n na lang ang pagsimangot ko sa klase ng pagmasahe nito.
“Anong klaseng pagmasahe ba 'yan? Akala ko ba marunong ka?” reklamo ko na hindi na nakatiis at inis siyang nilingon.
“Marunong naman, kamahalan—”
“Then diinan mo! Hindi 'yong tamang haplos haplos ka lang na para bang nanghihipo ka!”
Napatikhim naman si Yrem. “P-Patawad, kamahalan.” Idiniin na nito ang pagmasahe.
Muli na akong napapikit at inihiga ang ulo kama. Hanggang sa hindi ko na mapigilan ang mapaungol nang sumarap na ang pagmasahe.
“Hmm… that’s it… Oh, Yrem…” I exhaled, my voice laced with pleasure.
Mas lalo naman ginalingan ni Yrem ang pagmasahe sa likod ko, at binaklas na pati ang hook ng suot kong bra para hindi sagabal ang kanyang pagmasahe.
“Sige pa, idiin mo pa . . . Oh . . .” muli kong ungol. Oh goodness, ang sarap sa pakiramdam.
“Is this how Pietro massages you, kamahalan?” Yrem asked as he continued his work.
“Yes. Why do you ask?”
“Nothing, kamahalan. Just curious. But now that you know I’m just as good, maybe you’ll call for me next time instead. I promise, I’ll make sure you’re even more relaxed.”
“Fine…” I murmured lazily, another soft moan slipping past my lips.
Masasabi kong magaling din pala itong si Yrem magmasahe. Akala ko kasi hindi, kaya si Pietro lagi ang inuutusan ko.
Tamang ungol lang ako habang minamasahe ni Yrem, hanggang sa tuluyan na akong hinila ng antok at nakatulog nang nakadapa.
Nang magising ako ay mag-isa na lang ako sa kama at nakakumot na. 05:23 PM na nang mapatingin ako sa orasan.
I got up and headed straight to the bathroom, soaking in the jacuzzi for a few minutes before finishing my bath. The warmth of the water did little to ease the irritation simmering inside me.
Isang simpleng outfit lang ang sinuot ko—skinny jeans lang and simpleng black t-shirt.
Pero pagbaba ko ng stairs ay siyang pagpasok ni Pietro na agad na napahinto nang makita ako.
“May pupuntahan ka ba, kamahalan?”
“Yes. I’m heading to the hospital to finish that bastard.”
“Huwag mo nang ituloy, kamahalan. I found out it was all a trap. It's true that Policarpio is dead. Pinalabas lang nilang buhay pa para mahuli ka.”
Napahinto at agad na nangunot ang noo. “What? At paano mo naman nalaman?”
“I was at the hospital earlier,” Pietro replied.
Sa narinig ay agad na nagsalubong ang mga kilay ko. “So you disobeyed my orders? Didn't I tell you not to interfere with my mission!” Hindi ko na napigilan ang mapataas ang boses.
Bahagya namang napayuko si Pietro. “Patawad, kamahalan. Huwag ka nang magalit, hindi naman ako nakialam.” He met my gaze again. “I only investigated the governor’s identity as you ordered. And I found out something crucial—he was the mastermind behind the scheme to make it seem like Policarpio was still alive. They’re baiting you, waiting for you to come back and finish the job. The moment you do, they’ll have you surrounded. It’s a trap.”
Tila kumulo naman ang dugo ko sa narinig. Damn it! That bastard governor dared to challenge me? I swear—I’ll make him suffer before I kill him!
“Ano pa ang nalaman mo tungkol sa gobernador na 'yon?”
“Wala pa sa ngayon, kamahalan. But give me a week, nasisiguro kong mabibigyan na kita ng kasagutan tungkol sa kanyang tunay na katauhan.”
I sighed and nodded. “Alright. Good job, Pietro.” Ngumiti na ako. “Call Yrem. Let’s have dinner outside and watch a basketball game afterward.”