"Magkikita kami ni Mr. Garcia," anito ng pormal. "Pa?!" gilalas nang marinig ang sinabi nito. Napakalas siya sa pagkakayakap at napatingin dito. Dinig ang pagbuntong-hininga ng kaniyang ama. "Gusto ko siyang makausap ng masinsinan. Lalaki sa lalaki," matiim na wika nito. "Pero Papa, hindi mo na—" "Gusto kong intindihin ang lahat anak, gusto kong malaman kung tama ba ang desisyon mong iwan siya at ipaako sa iba ang anak niya," giit ng ama. Batid na hanggang sa sandaling iyon ay humahanap ito ng rason upang hindi siya makasal sa kumpari nito. "Pero Papa—" "Anak, hindi sa ayaw ko kay Demitrio para sa'yo. Ayaw ko lang na makulong ka sa isang bagay na habang buhay mong pagsisisihan," maigting na wika ng ama. Humarap siya sa ama saka lumuhod sa harap nito at hinawakan ang palad nito. "Pa