Tawang-tawa si Wynn nang makapasok sa loob ng banyo. Akala niya ay hahabulin pa siya ni Althea pero narinig na nagpipigil na nasa labas ng pinasukang banyo. "Hmmm! Ewan ko sa'yo!" inis na sambit nito na mas lalong kinatawa. "Babe," anang pa nito. "Yes, babe," tugon dito ngunit hindi na ito sumagot pa. Mabilis na naghubad at naligo para makapagpahinga kahit konti bago sila magtungo sa dagat mamaya. Napaupo na lamang si Althea sa kama saka napangiti ng matamis na nakatanaw sa pintuhang pinasukan ng kasintahan. Hindi niya maiwasang kiligin dahil para silang mag-asawa, ngayon na nasa iisang silid na magkasama at matutulog sa iisang kama. Napahawak pa siya sa inuupuang kama. Matagal din siya sa ganoong aktuwasyon na tila ba ini-imagine na nakahiga silang dalawa sa kama hanggang sa marinig na