"Saan tayo pupunta?" agap na tanong ni Althea kay Wynn nang hilain siya nito sa kinaroroonan ng sasakyan nito. Ngumiti lamang si Wynn nang marinig ang tanong ni Althea. Agad na binuksan pintuhan at pinapasok roon si Althea na nagtataka pa rin. "Saan tayo?" maang pa rin ni Althea. Ngumiti saka yumukod at bumulong rito. "Secret," usal nito. Napalunok siya nang marinig ang sinabi nito. Iba tuloy ang pumasok sa kaniyang isapan nang marinig iyon. Nang isara ni Wynn ang pintuhan ng sasakyan nito at pumasok sa driver's seat ay nakita ang matamis nitong ngiti. Dinantay ang kamay nito sa likod ng kaniyang kinauupuan upang mas lalo itong mapaharap sa kaniya. Matamis ang ngiti sa labi nito dahilan upang tugunin iyon ng natamis ding ngiti. "Saan tayo pupunta?" muling tanong dito. Napatawa na la