Kabanata 86. Selos

2020 Words

Kumatok ako ng dalawang beses sa pinto ng kwarto ni Daddy para malaman kung naroon siya sa loob. Kanina ko pa siya hinahanap sa baba ngunit hindi ko siya mahanap sa paligid ng bahay. Iyong dalawang katulong na inutusan ko ay hindi na bumalik at nakita ko na lang na nagsisilbi ng mga pagkain sa mga nakikiramay. No choice ako kaya ako na ang naghanap. Wala akong makita na pwedeng utusan lalo na at abala ang lahat sa pagse-serve ng pagkain sa mga nakikilamay. Hindi pa naman last night pero sobrang dagsa na ang mga tao. Nagulat ako sa mga kamag-anak pa namin na nanggaling sa ibang bansa na hindi ko akalain na uuwi para sa burol ng aking kapatid. Tapos may mga kapitbahay din na pumunta dito sa amin na nakikita ko lang na pumupunta kapag may handaan. Iyong ibang mga dumating ay mga empleyado na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD