Naghahanda na kami sa pagpasok ni Helena sa ospital ngayong umaga. Balik na sa dati ang buhay namin pagkatapos ng trauma na naranasan niya. Wala ng nangyaring ano pa man pagkalipas ng dalawang linggo kaya naman panatag na akong isama siyang lumabas at pumasok ng LMH. Mahigpit na naman ang security na kasama namin at palagi pang naka-escort sa tabi namin ang mga bodyguard namin kaya panatag ako na walang mangyayari na kung ano man sa amin. Nangako naman ang mga pulis na patuloy na mag-iimbestiga at hahanapin ang salarin. Maging ang mga tauhan ni Sky ay balik sa paghahanap sa kapatid kong si Josh na hindi ko alam kung kanino nagmana sa galing magtago. Siya ang tinuturing naming salarin dahil wala kaming ibang maituro kundi siya lang dahil siya lang ang may motibo. Kaya naman mas lalo silan