On the way na kami patungo sa bahay ni Sky ni Manong Lito kasama ang aking mga bodyguards na naka-convoy sa labas. Nasa kalahati na kami ng biyahe I thinks at sabik na akong malaman kung naroon ba ang asawa ko o wala sa bahay nina Sky at Jasmine. Matutulog sana ako sa biyahe para bumawi man lang ako ng tulog sa ilang gabing pagpupuyat ko sa lamay. Ngunit hindi naman ako dalawin ng antok dahil mas lamang ang excitement sa aking dibdib. Pakiramdam ko makikita ko roon ang asawa ko. Nag-eensayo na nga ako ng mga diyalogong sasabihin ko sa kanya at sana ay hindi ko ito makalimutan kapag nagkaharap kami mamaya. "Malapit na tayo, Doc. Ready ka na ba?" tanong ni Manong Lito sa akin na may kahalong panunudyo ang kanyang boses. "Kanina pa po, Manong. Sana nga po ay naroon si Helena," sagot ko na