"Honey…" Isang marahan na paghaplos sa mukha ko ang gumising sa diwa ko pagkatapos ng malambing na pagtawag sa akin ng boses na iyon. I just smiled and enjoyed the touch while my eyes were still closed. The touch was very soft and gentle. Na para bang takot akong masaktan ng palad na iyon. I know this is not a dream. Damang-dama ko iyong init ng haplos ng palad na iyon na dumadampi sa balat ko kaya alam kong hindi ako nananaginip. Alam ko kung kaninong palad ito. Kay Helena… Si Helena na ang aking mahal na mahal. Magkasama kami buong gabi rito sa kama ko. At sa buong gabi na iyon ay yakap ko siya ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit na tila may aagaw sa kanya mula sa akin. "Justin! Gising na…umaga na," narinig ko pang ani niya nang hindi ako dumilat sa kanyang pagtawag. Nahimigan ko a