"Bakit ganyan ka makatingin?" "Tinanong mo pa!" . Kakabukas ko lang ng pinto at ang pinaka gwapong lalaki sa buong mundo nasa harapan ko ngayon. . . Kakadating niya lang. San kayang lupalop nangaling tong mokong na to? 3 days siyang di nagparamdam tapos 9pm na sabi niya 8pm nandito na siya! . . Kanina pa ako nakabihis. Sayang naman yung outfit ko for tonight! Naka white sleeveless ako na may burdang bulaklak sa laylayan. Medyo crop top siya. Simpre nagpapasexy ako para sa lalaking paasa na to. Grrr tapos naka skinny jeans ako. And white sandals. Medyo may heels yung pinili ko para tumangkad ako ng konti. Sobrang inip na inip nako kakahintay sakanya eh. Tapos ngayon ngingitian niya ako na para bang walang nangyari? . . Hmmp kahit gabing gabi na ang gwapo gwapo niya padin! At