"Yas gising na.." Unti unti ko dinilat yung mata ko. May taong gumigising sakin. Sarap pa naman ng tulog ko! Hmmmp! Sobrang antok pa talaga ako... "Hmmm?" Di ko pa halos mai-mulat yung mata ko dahil gustong gusto ko pa matulog. Kaso yug yug ng yug yug sa balikat ko yung makulit pero gwapong lalaking naa-aninag ko.. Oo gwapo... Hmmm gwapo talaga ah... Medyo dinilat ko pa yung mata ko para mas makita ko yung mukha nung lalaking gumigising sakin... Aba ang gwapo nga... Napapangiti ako... pero mabigat pa talaga ang talukap ko... napapapikit padin ako... Hmmm ang bango din ng lalaking gumigising sakin ah... Mas lalo ako inaantok... Teka... Gwapo...? Mabango...? LALAKE???? OMG! Napabalikwas ako sa pag kakahiga ko! Nanlaki yung mata ko ng marealize ko na si Tyrone pala yung gu