"Yasi uuwi ka na?" Tanong sakin ni Ben. Isa sa mga waiter sa Night Bar. "Oo hangang 3am lang ako ngayon eh." Inaayos ko yung mga gamit ko bago ako tuluyang umuwi. Nakagawian ko ng ayusin ang lahat ng gamit ko bago umuwi para kinabukasan mabilis ako makakapag trabaho agad. "Ah sige yasi ingat ka." Tapos ngumiti sakin si ben. 21yrs old lang si Ben nag aaral pa siya at sideline lang niya ang pagiging waiter dito. Samantalang ako 24yrs old nako. Hindi niya ako tinatawag na Maam or ate dahil sasapakin ko siya. Hehe Lahat ng staff ko ang tawag nila sakin ay yasi lang. ayoko mag patawag ng Maam. Eh ang formal masyado. "Ok salamat ben. Ingat din pag uwi nyo mamaya. Una nako sainyo." Kumaway nalang din ako sa ilang staff na nasa loob ng dressing room. May dressing room kami dito sa loob ng