Chapter 3

1471 Words
Grrrr naiinis siya sa tiya nene niya dahil napaka maalaga nito kay Tyrone. Kulang na lamang ay pag silbihan niya ito bawat minuto. Di niya lubos maisip ang tiya niya may boyfriend na at sobrang gwapo pa. Hays. "Tiya baka naman spoiled na yang Baby mo.. May ulam naman ah. Bakit iba pa ang gusto niyang ulamin" diniinan niya ng husto ang word na baby. Naiinis kasi talaga siya. Nakita niya kasing pinag luluto ng tiya niya si Tyrone ng Adobo. Kakadating pa lamang ng mga ito galing ibang bansa tapos pinagluto na agad ang tiya nya?! Aba senyorito? Ayaw daw kasi nitong kumain ng luto ng ibang tao. Luto lang daw ng tiya niya ang kakainin nitong tanghalian! Demanding!!! Inisnab nito ang Luto niyang Pork steak. "Hindi anak. Luto ko lang talaga ang kinakain ng batang yan, makipag kaibigan ka sakanya mabait naman siya" napapa iling pang wika ng tiya niya. Napataas ang kilay ni yasi. Tinignan niya ito habang nakaupo ang binata sa isang upuan malapit sa kusina. Nakatitig ito sakanya.  Medyo napapangiti ito sa reaction ng mukha ni yasi. Nakabusangot kasi ang mukha niya. Inisnaban niya ito para iparating dito na nababadtrip siya. Hmmmp bwisit na lalaking to. Sus syempre mabait yan hihingi ng pera sayo yan tiya eh! Gustong isagot ni Yasi pero di nalang niya sinabi dahil baka masaktan lamang ang tiya niya. Pinili na lamang niyang wag mag comento. "Oo nga bakit ba ang sungit mo agad sakin?" Nakalapit na pala ito sakanya. Wow grabe ang tangkad pala nito. At ang bango bango. Napalunok siya dahil sinasamba niya ang kagwapuhan nito sa ganito kalapit na sitwasyon Jusko ang sarap titigan! Napakaswerte naman ng tiya niya! Hehe Pero badtrip siya dito dahil gold digger ito. "Masungit talaga ako sa lahat ng di ko kaclose. Tabi nga..." medyo tinulak niya pa ito dahil feeling close ang lalaking to. Tsk "Sungit akala mo naman maganda" bulong nito pero alam niyang sinasadya din nitong iparinig sakanya. "Excuse me? May sinasabi ka?!" Sita niya dito. Nakacross arm pa ito parang prinsepe sa ibang bansa kung umasta. Kung di niya ito kilala mapagkakamalan niya itong galing sa mayamang pamilya. Pero kung mayaman ito bakit naman nito papatulan ang tiya nya diba? Duh?! "I said.. hindi ka maganda" parang balewalang sagot nito "And so?!" Aba talagang inaasar siya ng lalaking to!!! "And so" ginaya nito ang pagkakasabi niya. "Bwisit!!!" Binato niya ito ng basahan na hawak niya! Nakailag agad ito. Sayang di niya nasapul sa mukha. "Hep.. Hep mga batang to. Baka magkasakitan kayo niyan sa pag aasaran niyo. Tigilan niyo na yan. Ikaw yasi igalang mo ang bisita ko. At ikaw namang bata ka wag mong paandaran ang pamangkin ko di ka uubra diyan" natatawang wika ng tiya nene niya Inakbayan ni Tyrone si tiya nene. "Sure Ma. Matagal pa ba yan? Gutom na kasi ako." Ma??? Kanina baby? Ngayon Ma?? Anu yon Instant baby instant mommy???? Yuck nandidiri ako sakanila. Kung haharap cguro ako sa salamin makikita ko kung gaano kaasim ang mukha ko sa mga oras na to. "Saglit na lang to. Maupo na kayo at kakain na tayo." Jusko parang anak lang siya ni tiya nene eh. "Cge Ma. Your the best." Wika nito at hinalikan pa sa pisngi si tiya nene. Jusko malapit na talaga siyang masukaaaaa!!!! Nahuli siya nitong nakatingin dito. Kinindatan sya nito at para bang tuwang tuwa sakanya. Inisnaban niya nalang ito. Nakakasuka. "Usog.." Napataas lalo ang kilay niya ng pausugin sya nito "What?" "I said move." He had a deep voice "Move mo mukha mo. Upuan ko to. Dun ka sa kabila." Tinuro niya ung isang upuan katapat ng upuan niya. "Ayoko don. Dito gusto ko" tumabi pa ito sakanya. Medyo napadikit ang braso nito sa braso nya. "Ano ba? Nang aasar ka ba ha? Pwesto ko to. Ayokong katabi ka! Dun ka nga sa kabilang upuan." Medyo pabulong lang na wika ni yasi dito dahil baka marinig nanaman siya ng tiya niya at mapagsabihan nanaman siya. "Ayoko nga don" medyo pabulong din nitong wika saknya. Amoy na amoy niya ang fresh breath nito. Grabe ang mint.. Nailang tuloy siya ng marealize niya malapit lang ang mukha nila sa isat isa. Grrrrr. Nakaka asar tong lalaking to! Ilang toothpaste kaya ang nauubos nito sa isang araw? Bakit ang puti puti ng ngipin at ang fresh ng hininga?!   Amoy mint mouthwash.kaasar! "Ano ba. Wag ka na nga pasaway!" Medyo kinurot niya ito sa braso. Nang gigigil kasi siya dito. Nang aasar kasi. Mas lalo pa nito nilapit ang sarili sakanya. Mabuti nalang at nakatalikod ang tiya niya. Hindi sila nito nakikita. Nakikipaglaban siya para sa pwesto nya! Upuan niya ito at gustong agawin ng lalaking to tsk! "Aw. Masakit yun ha." Medyo natatawa pa ito. Loko loko ata to eh? "Bakit ba ang tigas ng ulo mo?! Lipat na!" Di niya din alam kung bakit nakikipag talo pa siya sa lalaking ito. Kung lilingon ang tiya niya baka kung ano pa ang isipin dahil sobrang dikit ng katawan nila sa isat isa. Nakaupo ba naman sila sa iisang silya eh. Halos malaglag na nga si yasi sa pagkakaupo niya. "Matigas talaga to." May halong kaberdehan nitong sagod. Ngumiti pa ito ng nakakaloko pagkatapos ay tumingin sa gitna ng hita nito. Abat bastos na lalaking to! San ba to napulot ng tiya niya?! "Bastos!" Siniko niya ito dahil Di na nya nakayanan uminit kasi bigla ang mukha niya. Panigurado siyang pulang pula na ang mukha niya. Tumayo na siya at hinayaan na lamang itong umupo sa pwesto nya. "Aw. Nakakailan ka na ah." Tatawa tawang wika nito. "Oh bakit nanaman kayo nag aaway dalawa?" Napalingon sila pareho sa tita nene niya. "Wala naman Ma. Sinabihan niya lang akong matigas ang ulo ko. Well totoo naman diba?" Tanong nito sa tita nene niya WTF? Ang bastos ng lalaking to,!!!! "Ay nako anak mas matigas ang ulo ni yasmine sayo!" Natatawang biro ng tita nene nya. Anak? Wow ha. Tignan mo nga anak na halos tingin dito ng tita nya. Pumatol pa tsk. Nanahimik na lamang si yasi habang nakatitig padin sakanya si tyrone. Isang malupit na isnab ang nakuha nito sakanya. "Kumain na nga tayo. At tapos na tong niluluto ko" Halos hindi nakakain ng maayos si yasi. Dahil ang mag jowa napakasweet Mukha naman silang mag Nanay instead of mag jowa sa kilos nila eh. Tsk Naiinis siya sa tiya nya di niya kasi akalain mag jojowa pa ito kung kelan naman tumanda. Hays. "Nga pla yasmine sigurado ka bang okay ka na? Mukhang namamaga pa yang pisnge mo. Masakit pa ba yan?" Tanong ng tita nene nya habang kumakain sila "Oo tiya okay na po ako. Medyo masakit pa po pero pagaling na" habang nagsasalita siya pakiramdam niya titig na titig si Tyrone sakanya. "Ano ba kasing nangyari anak? Bakit ka ba nirape ng nobyo mo?" Napalunok si Yasmine sa tanong ng tiya nya Jusko magtanong daw ba sa harap pa ng jowa nito? Medyo naiilang siyang sagutin pero sa palagay niya naikwento na din ng tiya nya kay Tyrone ang nangyari sakanya. "Hindi ho niya ako narape.. attempted rape lang ho. Sinundo niya ako after ng work ko nung araw na yon, 3am ang labas ko sa Bar.." "What? Sa Bar ka nagtatrabaho?" Singit naman ni Tyrone Ay nako epal "Oo paki mo? Manager ako dun" "Yasmine igalang mo si Tyrone!" Medyo sita sakanya ng tiya niya Inisnaban niya na lang ang binata. "Okay. Continue" sagot nanaman ni Tyrone mukhang interesado pa itong malaman ang nangyari sknya Tsk "Pag sundo niya sakin sabi niya may ipapakita raw siya sakin sa gubat---" "Gubat? At sumama ka naman?" "Pwede ba Tyrone patapusin mo muna ako magkwento?" Naaasar na siya sa lalaking to epaal grrr "Oo sumama ako dahil nobyo ko siya at may tiwala ako sakanya. Hangang sa huminto ung motor nya sa isang bahay kubo. Dun na niya ako sinuntok. Nabigla ako. Pinasok na niya ako sa bahay kubo kahit nagpupumiglas ako. Kada piglas ko suntok ang ganti niya sakin. " Napatingin siya kay Tyrone. Parang biglang dumilim ang anyo nito "Anak paano ka nakatakas?" "Matapang ako tiya hindi siya uubra sakin. Ng makahanap ako ng bwelo sinipa ko ang ari arian niya. At patakbo akong lumabas ng kubo. Hangang makita ko yung mga tumulong sakin para madala ako sa hospital" "Mabuti naman anak at may mga tumulong sayo. Wag ka mag alala nakausap ko na ung mga pulis na may hawak kay Miguel. Pagbabayaran niya lahat ng ginawa niya sayo.." "I will takecare of it" tapos tumayo na si Tyrone parang nawalan ng gana kumain. Pumasok na siya sa kwarto niya. Napansin ni Yasi dumilim ang anyo nito. Sa ibabang guest room ang kwarto niya hindi sila magkasama ng tita nene niya sa kwarto marahil nahihiyang mag sama ang mga ito, kay Yasi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD