Jhoyce's POV "Nilagay ko na 'yong mga kailangan mong gamit d'yan. Dinalhan din kita ng toothbrush, sabon, towel at 'yong gamot mo kung sakaling sumakit ulit ang ul---" "Franco," pagpigil ko sa kaniya. Kinuha ko naman ang bag na inabot niya sa akin at nginitian ito. "This is enough, thank you." "Sigurado ka ba?" Napatawa ako nang mahina at tinapik ang balikat niya. "Hindi naman ako pupunta ng ibang bansa. Isang araw lang ako matutulog kina Ira," paliwanag ko. Napansin ko naman ang pag-iwas nito ng tingin at para bang may iniisip. "Nasanay lang kasi ako na kasama kita palagi sa bahay." Lumingon ito sa akin at tinignan ako ng diretso sa mata. "Possessive," rinig kong bulong ni Ira sa likuran ko. Nilingon ko naman ito at pinanlakihan siya ng mata. "Okay, I'm sorry," she mouthed. Nasa la