Jhoyce's POV "Did you know her?" tanong ng babae. Hindi naman makasagot si Emman habang nakatingin lang sa akin. "She knows a lot about us, Sir. Can I kill her instead?" "You're not a psychopath, aren't you?" Hinarap niya muli ang babae na hindi nakakikitaan ng anumang reaksyon sa mukha nito. "Tigilan mo nga 'yan, Eunice. Tinatakot mo lang siya." Hindi naman kaagad ako naka-react nang hilahin ako ni Emman palabas ng banyo. Medyo madilim na sa maliit na hallway nang lumabas kaming dalawa. Inagaw ko naman ang braso ko nang tumigil kami sa harap. "Anong ginagawa mo rito?" pag-ulit niya na tanong sa akin. Tinignan ko naman ang sign sa harap ng pinto na nilabasan namin. Nang ibalik ko sa kaniya ang tingin ay tinitignan niya rin 'yon. "I mean anong ginagawa mo sa likuran ko kanina? Bakit nak