Jhoyce's POV "Kailangan pa ba natin 'tong suotin? Hindi ka ba nahihiya, Ira? Ang dami kayang tao rito," reklamo ko habang nakatingin sa damit na hawak ko. Nagkibit balikat naman ito at pumasok sa isang cubicle. Pagkalabas niya ay suot niya na ang shirt na kulay blue na may nakasulat na letter A sa gitna. Paniguradong Allen ang meaning ng initial na 'yon sa damit niya. "Ano namang pakialam nila? Isa pa ay hindi naman tayo makikilala kasi may mga suot tayong facemask at hat," paliwanag nito. Hindi kasi pwedeng makita si Ira na pagala-gala kung saan-sana, lalo na at malapit na ipalabas ang movie nila. Inayos naman ni Ira ang pagkakalagay ng sumbrero sa kaniyang ulo. Binalik ko naman ang tingin sa kulay black na damit at may letter F sa gitna. Alam kong si Franco ang tinutukoy ng initial