Jhoyce's POV "Ano man ang mangyari, always remember na nandito na kami para sa iyo. Hindi na kita pipilitin sa ayaw mo. Ang gusto ko na lang ay suportahan ka sa lahat. I want to be your best Dad. Hindi man ngayon, pero alam kong darating 'yong araw na 'yon." "For now, gusto ko na lang magpasalamat sa iyo, Dad. Ito lang naman ang hiniling ko, pero sobra pa yata 'yong binigay sa akin. Huwag kang mag-alala dahil gagawin ko ang lahat para hindi ka ma-disappoint." Napangiti naman si Daddy at ginulo ang buhok ko. Ngumiti lang ako sa kaniya bilang sagot. Napalingon kami ng sabay ni Daddy sa may pintuan nang marinig namin ang ilang katok na nagmumula roon. "Nandiyan na yata 'yong soup na niluto ng Mommy mo," nakangiting sambit ni Daddy habang nakatingin kami roon. "Sana naman may lasa na 'yon