Jhoyce's POV When I woke up, I was surprised to find Franco in my room. I could almost scream in shock. He didn't even tell me he was coming today. So I was not prepared in advance for his arrival. Naagaw kaagad ng pansin ko ang bouquet ng sunflower sa may lamesa. Doon ko lang napansin na bihis na bihis na pala ito. Mukhang may pupuntahan siya ngayon. Napailing na lang ako at pumikit muli. Sinubukan kong ibalik ang pagtulog na naputol kanina. "Jhoyce, hindi mo ba ako papansinin? Maaga pa naman akong nag-prepare para pumunta rito." Iyong isang mata ko naman ang dinilat at tinignan siya. "Sino ba naman kasing nagsabing pumunta ka sa bahay ng ganito kaaga?" nakataas na kilay na tanong ko. Pumikit muli ako at tumalikod na sa kaniya para hindi niya na ako kausapin. Hindi niya alam kung an