Jhoyce's POV "Kumusta na? Ano ng balita sa kanila?" tanong ko kay Allen nang sagutin niya ang tawag. Nabalitaan ko kasing nasa hospital sina Mr. Vielle at Carolline, pagkatapos ng nangyaring pag-kidnapped noong araw ng birthday ni Carolline. "Hindi pa rin sila gumigising hanggang ngayon. Hindi naman ako makapunta roon dahil kailangan kong asikasuhin 'yong mga business na naiwan nilang dalawa. Hindi ako makadadalaw sa kanila lalo na at sobrang hectic ng schedule ko." Naramdaman ko ang lungkot sa boses ni Allen nang sabihin niya 'yon. "Sino 'yong nagbabantay sa kanila?" "Nandiyan 'yong parents ni Francis. Minsan naman ay dumadalaw ako kay Carolline. Natatakot ako para kay Carolline lalo na nang malaman kong buntis pala siya." "W-What? Kailan pa?" hindi makapaniwalang tanong ko. " "M