Chapter 34

1608 Words

    Mula sa condo unit niya, tinanaw ni Vrenda ang nagtatayugang gusali at ang mga maliliit na sasakyan sa ibaba saka humugot ng isang malalim na hininga. Isang linggo na siya rito buhat nang bilhin ng ama para sa kanya dahil ayon dito, mas maganda raw na malapit siya sa opisina kaysa sa bahay kaya ikinuha siya nito ng unit sa Callisto towers. Gusto nito na ikuha pa siya ng maid pero tumanggi na siya. Isa pa'y sanay naman siyang mamuhay mag-isa kagaya ng buhay niya sa Canada. Paminsan minsan ay pinapupunta na lamang ng Mommy niya si Mildred para katulungin niyang maglinis. Ang mga damit naman niya ay siya na lang ang naglalaba, kung minsan kapag gahol sa oras ay ipina-la-laundry niya sa laundry shop sa ibaba.  "Vren, before lunch kami dadating ni August, okay lang? Magluto na lang tayo ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD