"PASENSIYA na ho kayo, senyorito. Dahil sa aming mag-asawa nagkasakit pa ang senyorita," ani Nay Ditas pagdating sa bahay habang ibinababa ang mga ipinabili kong prutas para kay Vrenda. "Huwag n'yo na hong isipin 'yon, Nay." "E, kumusta na po ang senyorita?" "Tulog ho nung sinilip ko kani-kanina." "Mangyari kasi, e nabasa ng ulan, hijo. Siya ang nagsilong nung mga damit namin ni Igme habang isinisilong naman namin ang palay. Mabait na bata talaga ang senyorita." Napaisip ako sa sinabi ng matanda. Totoo nga kayang mabait ito at lahat ng kabutihang ipinapakita ay totoo? Kung sabagay, anim na taon naman na ang lumipas at mukhang napagbago ng panahon ang dating spoiled brat na si Vrenda. Sa huli ay sinang-ayunan ko na lang ang sinabi nito. "Salamat nga ho pala sa pagbili ng mga 'yan.