Chapter 5-Book 2

1134 Words

VRENDA MAAGA akong nagising kinabukasan. Si Marco ay mukhang tulog pa dahil sarado pa ang pinto ng kwarto nito. Hinanap ko ang banyo para maghilamos ngunit isang matandang babae ang naraanan ko na naghahanda ng almusal sa kusina. Napatda ako ngunit ang matanda ay tinitigan ako at kaagad naging emosyonal. Huminto ito sa ginagawa at ngayon ay lumalapit na sa akin.  "Diyos ko! Salamat sa Panginoon at nakabalik ka na, anak," sabi nito nang nasa harapan ko na. Napangiti ako dahil bigla kong naalala si Nanay Iska na halos ka-edad lamang ng matandang nasa harap ko ngayon.  "Salamat po," sabi ko.  "Ay teka, ako si Nanay Ditas mo, hija. Katiwala ako ni senyorito Marco at madalas ako rito noon. Natutuwa talaga ako na nakabalik ka na, anak. Ang Tatay Igme mo ay wala ring pagsidlan ang galak. O si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD