"Ano ba'ng problema mo, ha??" galit na tanong niya pagkatapos ihatid si Dane sa pintuan. Si Marco ay nananatiling prenteng nakaupo sa sofa niya at tila walang balak na umalis. Nag-u-umpisa na siyang mainis at mapikon sa binata. Ano ba'ng plano nito? Bakit ayaw siyang lubayan? "Actually, malaki mula 'nung iwan mo ko. And now na nandito ka na, will you please listen to me, Nathalia?" tumayo ito at ngayon ay nag-u-umpisa ng lumapit sa kanya kaya naman pinili niyang lumayo at umatras hanggang masukol na siya sa sofa at mapaupo roon. "N-no. Look, bakit ba hindi mo maintindihan, ha? Hindi ko naman hinihingi ang paliwanag mo dahil wala tayong relasyon, Marco," aniya habang nakatingala rito. "Pero alam mong mahal kita, Nathalia. At totoo iyon. Ayokong isipin mo na pinaglalaruan kita kaya haya