MARCO APAT na taon ang mabilis na lumipas. Ang anak kong si Marthina ay nag-aaral na ngayon ng nursery one sa Guimba East Central School. Kaklase nito roon ang anak nina Sheryl na si Kiefer Lenox. Bago ako pumasok sa opisina ay inihahatid ko muna sila ng Mommy niya sa school. Kahit kasi may yaya si Marthina, gusto ni Vrenda na siya ang kasama ng anak namin kapag papasok sa eskwelahan. Pag-uwi naman ay nakikisabay ang mga ito sa kotse ni Sheryl dahil ito mismo ang nag-da-drive para sa anak. "Papa! What is that?" buhat sa kung saan ay sumulpot ang anak ko. Naka-uniform na ito at bitbit ang snack bag dahil kabisado nitong ako ang naglalagay ng miryenda nito roon araw araw. "You're favorite, honey. Cheesedog waffle," nakangiti kong sabi. Lalo itong lumapit at nakatingkayad pang tumatanaw

