Nakatulala lang ako ngayon sa malaking salamin sa harap ko. Totoo palang iba ang dating kapag suot mo na talaga ang damit pang kasal. Hinaplos ko ito at dahan dahang umikot sa harap ng salamin. "Ang ganda ganda mo talaga besh." Lumapit saakin si Kim at inilagay sa ulo ko ang pilak na hairband. "Thank you kim, sa lahat lahat." Naluluha ko syang niyakap. Totoo, kung hindi dahil sakanya hindi ko nakilala si Sandler. Sya ang humanap kay Sandler at pinilit umayos sa pamilya namin. "Ano ka ba wag ka umiyak masisira make up iinit ang ulo ni Madam Sandy Haha." Umalog ang balikat nya sa pagtawa pero maya maya narinig ko din ang hikbi nya. "Masaya ako na pareho na tayong magiging masaya Phoebe. Ito lang naman ang gusto ko ang makitang pati ikaw magkaron ng kaagapay sa buhay at maging masaya