Nandito kami ngayon sa Mall. Kakagaling lang namin ng church nagpasalamat sa lahat lahat at sa tuloy tuloy na pagbuti ng lagay ni Ford. Actually kinakabahan parin ako, lalo na ngayon nasa labas kami.. Natatakot akong atakihin nanaman si Ford, Pero ayaokong ikulong ang Anak ko sa bahay para lang protektahan. Alam kong hindi yun maganda sa lagay niya, ayokong isipin niya na may ma;li sakaniya o kaya iba sa normal na bata kaya di siya nakakalabas. Hindi porket gusto ko siyang protektahan at ingatan ay ikukulong ko na siya sa tabi ko o ilalayo ko siya sa totoong mundo... Gusto kong matutunan at maramdaman niya na hindi porket may sakit siya ay iba siya sa ibang tao. I want him to grow as an ordinary kid. Napatingin ako sa mag-aama ko na naglalakad sa harap. Hawak ni Sand si Ford sa kanan