Yung makita silang tatlo sa harapan ko na magkakasama , pakiramdam ko naging buo ako. Tama nga sila, iba ang pakiramdam kapag nakikita mo at nararamdaman mong meron kang pamilya na buo at masaya. Ang saya sa pakiramdam, Ang saya-saya nilang tingnang sabay-sabay ngumingiti, tumatawa at nagkukwentuhan. Nakakatawa dahil halos magkakamukha sila , pati si Baby Fara ko parang boy version niya. Tama ako. Kamukha ng kambal ang Ama nila, kamukhang kamukha. Bakit hindi ko napansin yun nung una palang. Bakit hindi ko napansin na parehas ngumiti si Ford at Sandler. Hindi ko napansin na magkakaparehas sila ng kulay ng mata. Anak nga sila ni Sandler. Pero Paano kung kunin niya sa akin ang mga Anak ko? Paano kung ,kung ilayo niya saakin ang mga anak ko? Baka gantihan ni