Kuyom ang aking kamao ay sigurado akong may makukuha na akong sagot. Iyon ay kung hindi nila ako makikita rito. "Walang may gusto sa nangyari, Santy. Yes, you planned of downing their company, literally. Pero hindi mo ginustong mamatay sila." I stopped my own breathings for a moment. Kahit masyado ng tahimik sa buong silid ay gusto pa ring mas maging matahimik pa upang marinig sila ng maayos. My anticipation is becoming too much. Damn! Sinong namatay? "It was still my fault. Ilang taon na akong hindi pinapatahimik ng konsensya ko dahil doon pero hindi ko magawang umamin. Natatakot ako para sa sarili ko. Natatakot ako para sa pamilya ko. Kaya pinili kong takasan at kalimutan lahat iyon. I continued my initial plan, pero..." "Pero buhay ang mga bata." the man continued. And again, bumi