Tipid akong ngumiti sa kanya bago iginiya ang loob ng aking kwarto. Nauna akong pumasok sa loob. Sumunod s'ya na hindi nawawala ang tingin sa akin. Umupo ako sa aking kama habang pinapanood s'yang sinasara ang pinto. Lumapit s'ya at umawang ang bibig, akmang magsasalita pero inunahan ko na. "Dad told me about your party." pilit akong ngumiti upang balewalain na n'ya ang posibleng mugto kong mga mata. Ilang sandali pa s'yang tahimik na nakatingin sa akin bago naupo sa sofa'ng nasa harapan ko. "Huwag mo ng isipin iyon. How are you?" "Sorry kung umalis ako. Hindi ko alam na may ganoon kang plano." muling pagbabalik ko sa usapang gusto ko. Ayaw kong mapunta sa akin ang usapan. "Really, Stacey, it's nothing. I'm fine. Hindi rin ako nag-iisip ng ginawa ko iyon. I was so overwhelmed of our cl