Nanginginig ang buo kong katawan habang nakaupo sa isang pavement. Hindi dahil sa lamig kung hindi dahil din sa takot na baka masundan ako ni daddy. I'm still in panic. Paano pala kung naglagay ulit sila ng mga tracking devices sa akin nang hindi ko alam para madali nila akong mahanap? Dahil doon ay mabilis ko ring hinubad ang mga accessories na sinuot ko. Pasimple ko iyong hinagis sa tabi ng mag-inang natutulog sa gilid ng kalsada. I remember Rigel taking all of my dresses and accessories off when I first met him. Litong-lito ako noon sa kung bakit n'ya ako hinuhubaran nang walang malisya. Ngayon ay naiintindihan ko na. And I'm doing the same thing, because just like him before, ayaw ko ring mahanap ako ng parents ko. Not when my baby's safety is in concern. Marahas kong pinunasan an