And like a miracle, natanaw ko ang baryong sinasabi ni Miracle. Kahit sa malayo, tingin ko ay hindi iyon basta baryo. Sobrang daming tao and if I'm not mistaken, most of them are foreigners, base rin sa mga kulay ng kanilang buhok at balat. May iilan din akong nakita na nagje-jetski at kung anu-ano pang water activities. May iilan na tumingin sa direksyon ko, probably wondering who the hell I am. Lalo na dahil hindi katulad ng iba na nakabikini, ang suot ko ay white hanging dress. Isang lalaki na sakay ng jet ski ang papunta sa direksyon ko. Masama ko siyang tiningnan. I can't control this thing anymore, kaya bakit pa siya humaharang? Malapit na ako sa pampang pero hindi ko alam kung paano ito pabagalin! "Miss, what are you doing?" he asked with a thick accent, giving me the impression