Nang nanatiling siyang tahimik ay halos humagulgol na ako sa harapan nila. Akmang lalapit siyang muli ngunit agad ko na silang tinalikuran at diretso ko nang tinahak ang hagdan. "Careful, Princess!" mariin ngunit mahinang utos niya. It's obvious in his voice how worried he is. The thing is, I am not sure if he's really worried for me or for that doctor. Or maybe to my child, only. At least, he still cared a bit. "Rigel," I heard Karen's disgusting voice as I continuously climbed. Hindi talaga siya magpapatalo. Hindi naman na niya kailangan magmakaawa pa kay Rigel. It's obvious, siya ang paniniwalaan niya. Or that's what I thought. "Enough," his voice roared, making me jump a little but still continue my steps until I'm on the last step. Sa loob ng kwarto, habang nakahiga at yakap ang i