Rigel locked his gaze up at me for a little second before he checked the papers in front of him. Everyone is silent habang isa-isa niya iyong binabasa. Habang mas dumarami ang nababasa ay mas lalong nagsasalubong ang kanyang kilay. Inabot niya kay Steve ang papel na nabasa at nagpatuloy sa pagbabasa ng iba pa. Ibinigay naman ni Steve ang papel kay Rex matapos din niya iyong basahin. Paulit-ulit nila iyong ginawa hanggang sa matapos nilang basahin ang lahat ng papel. Ramdam ko ang panlalamig ng aking mga palad. Mabilis kong pinunasan ang malamig na pawis sa aking noo bago pa man muling nag-angat ng tingin sa akin ng tingin si Rigel. Ngunit mas matindi ang lamig ng kanyang tingin sa ano pa mang lamig na nararamdaman ko ngayon. Nang sabay na umiling sa kanya si Rex at Steve ay taas noo s'yan