"What are you doing? Bakit hindi mo siya hayaang makalabas?" inis at nagtataka kong tanong sa kanya. "She can ask kindly, unless she's mute, of course," sagot niya na nanatiling nakadungaw sa nakayukong si Miracle. Muling nag-angat ng tingin si Miracle. "M-Makikiraan po, K-Kuya R-Rex." Nakita ko kung paano nanliit ang mga mata ni Rex sa kanya ngunit hindi na niya iyon napansin dahil hindi siya halos makatingin ng diretso kay Rex. Umirap sa kawalan si Rex bago bahagyang tumabi. He is too big for her to pass through. Tapos nang humakbang si Miracle ay sinabayan din niya ng paghakbang dahilan para magtama ang mga balikat nila. Kung sa perspective ni Miracle, iisipin niya na hindi iyon sinasadya. Ngunit kita ko ang iritasyon sa mukha ni Rex at kung paano niya sadyang binunggo si Miracle