Tila parehas kaming wala sa sarili ni Rigel nang lumabas ng kwarto. Oras na ng hapunan noon dahil nang nahiga kami sa kama ni Stan ay hindi namin namalayang nakatulog kami. Sandali lang naman akong nakaidlip pero dahil tulog si Rigel ay hindi na muna ako bumangon. It's a relief seeing him sleeping even with furrowed brows. Ilang sandaling pagtitig sa kanya at pagbabalik tanaw sa mga sinabi ni Stan ay tumayo ako sa kama. Ibinalik ko sa ayos ang mga gamit. Ganoon din ang family photo album namin na kinuha pala ni Rigel. Nakabukas ang pahina noon sa isang larawan kung saan masaya kaming mag-anak. Masaya dahil maging si daddy ay nakangiti roon. Mga panahon na hindi pa nangyayari ang pagsabog. "Have you seen Stan's recorded video?" tanong ni daddy matapos kumain ng hapunan. Kanina ko pa pinipi