Umiling ako at mabilis na umiwas ng tingin. Marahas akong tumayo at isang beses siyang tinuro. "That! That is the real you! Kaya bakit mo kailangang magpanggap na maayos ang lahat sa ating dalawa? Gayong alam mo na hindi!" Mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin, ang mga panga ay mariing nakakuyom ganoon din ang mga kamao. Nang tumayo siya at naglakad sa direksyon ko ay umatras ako hanggang sa maramdaman ang kama sa aking likuran. "Stop! D'yan ka lang!" pigil ko at inilahad ang kamay sa kanya bago iyon iwinagayway sa hangin. "May masama sa tanong ko? I'm confused and I just wanted to enlighten myself. Kung gusto mong gumanti kay daddy at binabalak mo na gamitin kami ng baby ko, sorry pero—" In two long strides, he is already in front of me. Masyadong mabilis ang mga nangyari na sa is