"Are we ready?" Dra. Yanie asked, breaking the awkwardness in the room. Dalawang silid pa ang pinagdalhan sa akin para magawa ang thorough medical check ups na sinasabi ni daddy. Ang sabi ni Dra. Yanie ay pahirapan daw na makuha kaagad ang resulta sa loob lang ng isang araw. Pero dahil dadayain din naman nila ang ibang impormasyon ay pilit na ring tinapos ngayon. At ilang ulit dimh sinabi ni Clifford na kailangan pag-uwi ko sa bahay ay dala ko na ang medical papers ko. "Just tell them that these are also the records of some examination I made to you in Mr. Llamas' house," paalala ni Dra. Yanie matapos n'ya iabot kay Clifford ang brown envelope kung nasaan ang medical papers ko. "She is going to make a new one," ani Clifford. "Maayos naman ang pagkakagawa nito pero kailangan n'ya pa ring