"What?" gulat na tanong ko kay Matt. Lumingon s'ya sa paligid. Ganun din ang ginawa ko pero wala naman sigurong nakakarinig sa amin. "Are you serious?" Marahan s'yang tumango. I considered his plan and think for a moment. Sobrang sakit pa ng likod ko dahil sa carpet na naman ako natulog. As usual, wala namang pinagbago kay Rigel. Bukod sa pinahiram na ako ng unan at kumot last night kaya kahit papaano ay hindi ramdam ang lamig. I'm thankful for that but sleeping on that carpet still is not comfortable. Itong trosong ito ay hindi rin nakakagaan sa pakiramdam. It only hurts my butt more! Wala naman kaseng ibang maupuan. Ayaw ko naman sa upuan ni Rigel at baka baliin pa n'ya ang buto ko. Ito namang Matt na ito, ang aga-aga ay pinapasakit na ang ulo ko sa plano n'ya. "How can I be so sure n