"Is it because of my dad?" tanong ko kahit sigurado akong isa iyon sa mga dahilan. "Kumusta... na pala sila?" Kinuha niya ang aking kamay at pinaglaruan ang mga daliri noon at ang isa naman ay hinahaplos ang aking tiyan bago sumagot. "They are fine. Hindi sila papabayaan ng mga tauhan ko." "How," Ayaw ko sanang i-open sa kanya ang tungkol sa gusto kong itanong pero hindi ko maiwasan. "About our goons? I mean, dad's men. Paano nangyari 'yon?" Masama ang loob ko sa kanila dahil sa ginawa nilang pagtatraydor sa pamilya namin. Yes, siguro ay alam nila na hindi ganoong kasamang tao si Rigel at wala siyang ibang masamang gagawin. Pero paano kung ibang tao? Ang dali naman yata nilang sumang-ayon sa kung anuman ang pinangako sa kanila ni Rigel. Sasabihin ba nila sa amin na hindi nila iyon gagaw