Mr. Kenley led us inside my parent's room. He then left us with a nod of assurance before closing the door. "Princess!" si mommy na agad na yumakap sa akin na tila ba ngayon lang natanggap ang katotohanang narito nga ako sa harapan nila. "Nasaan si Serenity?" "Hindi po namin siya sinama." "Mabuti kung ganoon." Mabuti talaga. Alam kong mas maaalagaan siya nang maayos doon ni Mamita. Mula sa kanyang likuran ay nilingon ko ang buong silid. I feel like this is my first time being inside this room kahit na hindi naman. I've been here already a long time ago, mga bata pa kami ni Stan. Kung hindi ako nagkakamali ay grade schooler pa lang yata kami. Nakapapagtaka na naalala ko ang ilan sa mga pangyayari noong bago pa mangyari ang pagsabog. Maybe Doctor Agustin was right, my brain chooses a c