"Huwag ka ngang mambintang." Humarap sa akin si Steve para lang umirap bago muling humarap sa kalsada. "Daddy mo ang nag-utos noon dahil nalaman niya na siya ang tumulong sa pagtakas mo." Nagsalubong ang kilay ko. Kung ganoon ay totoo nga ang banta ni daddy kay Matt. "Pasalamat siya hindi si Rigel ang bumugbog sa kanya," dagdag naman ni Rex at hindi ko maintindihan kung bakit ang daldal nila ngayon. "That kid! Tama ba namang lokohin kami? Alam niyang ilang buwan ka na naming hinahanap!" Umirap ako nang hampasin niya ang manibela. Naging mas malakas ang ginawa kong pagpihit at hinarap si Rigel. Hindi niya iyon inaasahan kaya't walang nagawa kung hindi harapin ang galit ko. Ngumuso ako. "Kung ganoon ay bakit ganyan ang reaksyon mo? Ninyong lahat? Akala mo ba ay hindi ko alam na may plano