"H-How is she?" "Please, stop worrying, walang mangyayaring masama sa kanya." Kahit naniniwala naman ako sa kanya ay hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. "Paano ka naman nakasisiguro?" "It's..." he sighed as he gently combed my hair. "It's something personal." "Personal?" Salubong ang kilay ko. "Anong kinalaman doon ni Doctora Yanie?" "I'm not sure either. But Reymart said something like that. Something about Steve and Karen and that doctor. I don't know, but he assured me they're not going to hurt her." "Sigurado ka ha?" Tikom ang bibig niyang tumango. "Hindi ganoong kasama si Reymart, Princess. Dala lang ng kagustuhang makapaghiganti kaya nila nagagawa ang lahat ng ito." "Hindi sila titigil hanggang hindi nila nakukuha ang hustisya." Hindi iyon tanong dahil alam ko namang tama ak