"Kate!" Race called pero hindi ko s'ya pinansin. Diretso akong pumasok sa loob ng bahay at sa kwarto ko. Nakita ko ang isang guard ni Race na dala na ang isang maleta palabas ng kwarto. Itinapat ko ang kamay ko sa maleta upang pigilan s'ya. "Stop it there!" utos ko at sinulyapan si Kuya Ber na inaayos ang mga gamit kong nasa kama. Lumapit ako sa kanya at marahas na inagaw ang mga damit bago pa n'ya iyon mailagay panibagong sa maleta. "Kate," Race warns. His jaw tightens and he deadly looked at me. Umirap ako sa kanya bago ibinalik sa cabinet ang mga damit ko. Ngunit bago ko pa iyon maibalik lahat ay may umagaw na sa mga damit. Masamang tingin ang ibinigay ko kay Kuya Ber na tila nahihirapan din sa sitwasyon. "What?" singhal ko. Hindi s'ya sumagot. Sinundan ko ang tingin n'ya. Race is